Budgeting is the most basic accounting that anyone can do. I'll post a series of blog about this topic for starters. I know that everyone will benefit in this series.
Ano ba ang budgeting?
Kung ang sagot mo eh, "ang budgeting ay laging ginagawa ng nanay ko at sya lang ang may alam nito". eh baka mabatukan kita ng bongga. Promise. Oh well, ang budgeting ay simple lamang, you just need to make sure na yung gastusin mo o expenses ay hindi hihigit sa kinita mo o earnings. Nakakatulong din to sa pagplano mo ng mga goals mo gaya ng pagbili ng bahay o kaya ng kotse sama mo na din yung pagbayad sa mga utang.
Tandaan, ang budgeting ay hindi gaya ng dieting na denideprive mo yung sarili mo sa gusto mo na pwede mong makuha ngayon. Isipin mo na lang na ito ay isang programa na makakatulong sa iyo upang maayos mo yung paggastos mo. Kung di mo trip yung salitang budgeting edi pa-sosyalin mo, itago mo na lang ito sa tawag na "Personal Financial Planning". Winner di ba.
Ang pagbubudget ay isa sa mga importanteng aspekto ng kalagayang financial ng isang tao.
Di mo kailangan ng degree sa Math o Statistic para makagawa ng budget. Addition at subtraction lang, carry na. Di totoo na sina Henry Sy lang o kaya ang mga Ayala lang ang may karapatan o pwedeng magbudget, kahit ikaw na service crew ng Jolibee ay na ngangailangan din nito. Actually lahat tayo ay kailangan magbudget, dito natin malalaman kung san talaga na pupunta yung mga pinaghirapan natin. Di ba?
May mga taong sobrang OC (obsessive compulsive) sa pagbubudget na minsan di sila makatulog hanggat di nila naayos yung budget. For sure, alam na alam nila ang kahalagahan nito. Nakakatulong kasi ito kung matupad yung mga panarap nila, for example gusto nila ng kotse, mapaghahandaan nila ito sa pamamagitan ng pagtatabi ng pera para dito, at ito ay kasama sa budget nila.
O ayan, isang series itong blog na to about budgeting na talagang matuto ka o kahit sinong makakabasa dito. Again series to, parang Harry Potter, may mga part part.
Whether you're a college undergrad, retiree or somewhere in between, if you're looking for a way to manage your money better and improve your financial situation, then this series is for you.
Photo Credits:
http://cdn.wn.com/pd/43/6d/d2dfe43427fe30b8b1338ff23a2e_grande.jpg
Aabangan ko ang mga entries mo! Maganda ito, informative ito for sure. May you write more and enlighten many! :-)
ReplyDeleteIdeally, you must be able to save 15-20% of your total income for the sake of lifetime savings, not for the sake of buying something grand... you will be amaze on how much it could be after few years of working
ReplyDelete@canonista: salamat at nagustuhan mo ang blog ko. You'll definitely learn a lot from it. I promise!
ReplyDelete@rina: delay gratification ang tawag jan. Mas gugustuhin ko ng mag-sacrifice ngayon ng mga wants ko habang bata ako kaysa naman mamulubi ako at mamalimos pag tanda ko.