Saturday, January 29, 2011

Tadan! Ang unang kabanata ng budyeting siris ni Juan!

Madaming kababayan natin na trip lang magbudget pag alam nila kapos na sila. Parang yung mga dating kasamahan ko sa Call Centre, pagsweldo fly agad sa tomahan, pag malapit na yung sweldo may baon na silang de lata. Classic di ba. Pero may iba pa din tayong kababayan na responsable na automatic na pagsweldo pa lang eh may nakalaan nang pera pambayad sa Meralco, tubig, grocery, utang sa Bumbay, utang sa credit card, utang sa tindahan at kung anu ano pang utang. Maliban sa mga nabangit ko meron pa rin namang nagtatabi para pambili ng iPad, iPhone at kung anu ano pang gadget o di kaya nag iipon na para sa Kasal o kaya bagong bahay, kotse at higit sa lahat TUITION FEE.

Pero ang totoo ang pagbubudget ay di lang dapat ginawa kung nakakapos na tayo o kaya may pinaghahandaan tayong bilin. Para sa lahat ang budgeting, ito'y parang isang karinderya na bukas para sa lahat, kahit wala kang pera ok lang, may libreng sabaw naman. Sa tingin mo kung di nag budget ng bongga si Henry Sy san na kaya pupulutin ang SM? O kaya makukuha ba ni Manny Pangilinan yung Channel 5 kung di sya na budget. Syempre nagbudget talaga sila, inilaan nila bawat kusing na kita nila para sa mga goals ng kumpanya nila kaya ngayon tinatamasa na nila yung kasaganahan.

Pag bonggang bonga ang budget mo ito'y sobrang makakatulong sayo upang magawa  mo ang mga sumusunod:

1. Magkaroon ng Long- and Short-Term Projections 

A budget will help you plan for short-term expenses, like your monthly bills, and mid-term expenses, like vacations, as well as long-term expenses, like buying a house, paying for a child's college education and putting money away for retirement. Kung meron kang listahan kung magkanu yung kikitain mo at dapat mong gastsin for sure makakapag adjust ka. Example magpapasukan, syempre automatic na magtatabi ka para sa tuition fee o kaya mag se-SALE ng Bayan ang SM, magsasave ka for sure ng pera para mabili yung gusto mo, o ito pa, pag nakita mo naman na mashoshort ka edi automatic na dapat mong iadjust yung mga gastusin na maituturing mo na di mo kailan o kaya mga luho na pwedeng ipagpaliban muna.

2. Pag Rerelax

Sa isang linggo nasa 40 hours kang kumakayod di pa kasama yung byahe mo at pag aayos bago ka pumasok, sama mo na din yung lunchbreak mo pati na yung oras pag uwi, for sure wala ka ng energy para mag relax, oo, kahit na mag Enervon ka lowbatt ka pa din. Syempre kung ginugugol mo ng ganito yung oras mo sa paghahanap buhay e dapat lang bayaran mo yung sarili mo ng konting relaxation. Unfair naman na nakasubsob mga araw araw sa work tapos di mo man lang makuha manuod ng sine o kaya magpa-foot spa.

Panu makakatulong ang budget sa pagrerelax mo?

Dahil may budget ka na, makikita mo kung sang lupalop ng mundo napadpad yung pinaghirapan mo. For example, nakita mo nasa Php 5000 yung perang dinedeposit mo sa Zara, Topshop o Topman o kaya sa Lacoste tapos di mo makuhang magpafoot spa, for sure matataranta ka at gagawan mo ito ng paraan, matututo kang mag allocate ng expenses mo. Baka nga di lang footspa magawa mo, baka may kasama pa tong pedicure at manicure dadag mo na whole body massage. Winner di ba.

Matratrack mo sa pamamagitan ng budget lahat ng gastos mo, malaki man ito o maliit. Magiging concious ka sa mga gastos mo.

3. Plan for Major Changes

Syempre di lang foot spa ang pangarap mo. Major major change din dapat gaya ng pagbili ng bahay. Wish mo ba na forever ka na lang magrerent? Again, magagawa mo to sa pagbubudget, makikita mo kung magkano pwede mong i-allot sa income mo papunta sa ipon mo para sa pambili ng major major mong bahay.


4 . Pagkakaroon ng Savings Account sa Bangko na may Pera at hindi Payroll Account lang.

Dahil sa budget makakapag tago ka na ng pera para sa kinabukasan mo. Saya di ba? Makakapag ipon ka na para sa retirement mo, nakakahiya naman kung aasa ka lang sa makukuha mong barya galing sa SSS at sa bigay ng mga kamag anak mo. Di ba.

O di ba. Ang saya pag may budget, may liwanag ang buhay!

Photo Credit:
http://bayhealthspa.com/images/best-foot-spa.jpg

5 comments:

  1. Very true, but most people nowadays think about it when they reach their 30's.

    ReplyDelete
  2. Practical Financial Advice, in a very entertaining package. Must read para sa lahat ng mga Belyoner Wannabes.

    Can't wait for the next posts. :-)

    ReplyDelete
  3. Nasa culture na rin natin siguro, kaya nga kahit crew sa fastfood or OFW na kumikita ng thousands eh mostly wlang naiipon. simple lang naman kasi db? earning-savings = expenses. unlike sa karamihan kung ano matira yun ang ise-save. may ipunin man, para sa gadget

    ReplyDelete
  4. @boadicea: salamat naman at naentertain ka!

    @rina: tama ka.Nasa culture natin, pero bilang isang tao na may free will kaya nating tumiwalag sa culture na nakagisnan natin. Lets get a new habit. The habit of savings.

    ReplyDelete
  5. @SiMpLy CoMpLiCaTeD: oo nga. Di ko alam kung bat ganyan sila. Sayang yung ora at compaound interest, noh?

    ReplyDelete