Sunday, February 6, 2011

So alam mo na?

Ang ikalawang kabanata ng budyeting siris ni Juan!

Dahil alam mo na kung panu makakatulong ang pagbabudget sa buhay mo, next na dapat nating gawin i-track nang mabuti ang ating pera.

Maraming paraan para i-track yung ang mga kaperahan natin. Pero check mo din kung mag wowork yung mga naisip ko, gaya ng:

1. Notebook at Ballpen

Sobrang mura lang nito kaya wag kang magdahilan na di mo kayang i-track yung pera mo using this. Kung wala ka nito mag nenok ka na lang sa nakakababata mong kapatid o pinsan na nag aaral. Joke lang. Peace.

Oo, mura lang siya pero medyo mahirap mag track ng pera gamit to, minsan katamad mag sulat, minsan di mo mabasa sulat mo at
baka malawa mo rin yung notebook. So kahit na mura siya ito rin sana yung last option mo na gamitin para matract ang pera mo.Ok!

2.Spreadsheet

Kung may kompyuter ka, may chance na may Microsoft Excel ka. Taugh maugh? Kung wala edi mag download ka na lang ng Open Office para libre, kompatible din naman ito sa Excel. Pag spreadsheet kasi gamit mo mas madaling magkompute at magtrack ng daloy ng pera mo. Actually ito gamit ko ngayon.

3.Software gaya ng Quicken o kaya Microsoft Money

Ok sana tong mga software na ito kaso nga lang may bayad tapos minsan kailangan mo pang i-upgrade tapos may bayad uli. Sad. Pero bongga to kasi pag ito ginamit mo, may capability syang itrack yung mga bank o investment account mo using single sign-on. Isang username lang tapos ma-aaccess na lahat ng account. Parang pag nag log-in ka sa twitter automatic nang malolog-in yung facebook,multiply,tumbler at ang old skul mong friendster.

Ang chaka lang sa mga software na  to eh pag na hacked ka ng bonggang bongga, lahat ng account mo damay. Sad uli. T_T



O ayan may choices ka na kung anu pwede mong gamitin pang track, next question is panu mo naman ito gagamitin. Simple lang, sundan lang ang mga sumusunod:

Una, hiwain ang bawang at sibuyas,igisa ito kasama ang mga karne.....teka...maling post pala to.sorry..

Back to regular programming tayo ha.

1. Track mo lahat ng gastos mo.

Lahat, as in lahat. Mapachewing gum man ito o kaya pamasahe sa side car. Basta i-track mo ito on a daily basis.

2. I-update ang budget - Araw araw ha!

Madali lang to specially kung excel gamit mo. Para wala kang makakalimutang gastos mo.Dapat araw araw mo tong gagawin, para di ka clueless kung san napupunta pera mo.

3. Wag mo lang i-categorized, ilista mo ng bongga.

Dapat accurate description yung gamitin mo, wag generic. For example wag traspo lang ilagay mo, lagay mo sya gaya nito " jeep to buendia ". Ganun.

4. Monthly ang budget, wag per pay-check.

Mas maaayos mo kasi ng maigi yung flow ng pera mo. Pansinin mo pag bi monthly yung budget mo may maliit na butal o sobra yung budget mo. Yung butal na yun minsan nagagastos natin sa walang katuturan na bagay. Alam mo yan. Pero kung monthly medyo malaki yung butal na pwede nating i-allot na pwede nating pambayad ng utang, di ba.

5. Paghandaan yung mga fixed na expenses tska yung variable.

Rent sa bahay, pambayad sa internet o kaya ng insurance ang tinuturing na fixed expenses. Bakit? Kasi fixed nga sila, yung rent mo for example Php7000 a month, di naman tataas yan o baba kaagad agad. Yung variable naman eh gaya nung Meralco, water tska grocery. Nakokontrol mo ito.

6. Paghandaan din yung mga occasional expenses.

Ang mga occasional expenses na sinabi ko eh yung mga expenses na di naman lagi dumarating, halimbawa nito eh yung mga pangregalo, pambayad sa check up sa doctor. Kung kaya ng budget you can pay for these as they occur kung di naman, pwede ka ring magtabi ahead of time.

Ako ang lagi ko lang pinaghahandaan yung Pasko. Every month nagtaabi ako ng 1000 para pag dating ng Pasko di ako mabigla. Bakit ba naman kasi ubod ng dami ng inaanak ko eh.



Yung budget mo, pwedeng detailed masyado o hindi. Depende to sa kung paano ka mag control sa sarili mo. For example, manunuod ka ng sine, pwede mo ba syang ilagay under miscellaneous category o dahil linggo linggo ka nanunuod ng sine eh baka pwede na syang gawing category?

Ang budget ay naiiba din depende sa daloy ng income ng isang tao. Kadalasan yung iba automatic na may sweldo na pag 15 o kaya 30. May mga kababayan din tayong ang sweldo nila eh commission based. Yung mga irregular yung income medyo tricky yung ginagawang pag bubudget pero nagagawa pa din yan. Monthly may mga fix na dapat bayaran at yung mga variable na dapat bayaran ay kailangan nilan i average. Tska pag commission based yung sweldo mas maganda kasi may mga months na malaki yung kinikita, at pag nang yari yun mas dapat nag matabi o mag laan sila for the next month.




Photo Credits :

http://gedaechtnis.files.wordpress.com/2007/09/m-money2.jpg
http://www.personal.psu.edu/ked5111/blogs/kaitlyn_dowlings_cas283_eportfolio/excel_budget_fullview.jpg
http://www.cbc.ca/radio2/programs/images/pen%20and%20notebook%20by%20markus%20rodder.jpg

6 comments:

  1. gusto ko mang i tract ang pera ko, nawawalana ako ng gana kasi nanghihinayang ako perang ginagastos ko whhohohoho.. pero sige try ko nga ring i tract minsan ang pera ko...

    ReplyDelete
  2. mas ok nga na manghinayang ka eh.mas magiging aware ka sa mga gastos na wala talagang kwenta.

    ReplyDelete
  3. eh what if you automatically set aside 10% of your salary? kasi observation ko lang ha, mas malaki pa ang mga unexpected expenses kesa sa actual monthly expenses. so kung me natabi ka na 10% at least safe na 'yun. nasasayo na kung paano mo ibubudget 'yung sosobra, kung sa needs or wants lang mapupunta.. idk if this makes sense..hehe

    ReplyDelete
  4. gusto ko ito.kasi pig sinulat mo iiwasan mo ang mga gastusing walang kwenta.

    ReplyDelete
  5. @Julie Tearjerky

    Mas winner ka pag automatic na nag tabi ka kaagad for your savings. Tapos yung 90% dun ka na lang mag allocate ng expenses mo. Ika nga pay yourself first!

    @Diamond R

    Taugh maugh! Di lang yan ang magandang isulat sa papel. Try mo din isulat yung mga goals mo ng mas lalo kang ma push para matupad yun.

    ReplyDelete
  6. Loving the information on this site, you have done an outstanding job on your posts . Check some of our Peoples Quotes. You might like some of them.

    ReplyDelete