Wednesday, February 2, 2011

beerna.

Time first muna tayo sa budgeting series, kwento ko lang muna nangyari sa kin kanina.

After kong manggaling sa UST Hospital at bigyan ng reseta para sa mga dapat kong inumin bilang paghahanda sa colonoscopy ko bukas eh saktong nagka-appointment ako sa isa kong client, si Andoy Ranay.

Andoy: Kumain ka na?
Pat: Di pwede eh.
ANdoy: Bakit?
Pat: Fasting ako para sa colonoscopy ko bukas. (sabay kuha ng laxaties at hinallo sa sprite)
Andoy: Imbyerna!

O di pa jan nagtatapos kwento ko. Prenisent ko na yung proposal ko para sa kanya, sa kabutihang palad, nagustuhan nya at pumirma na sya. Woohoo!

Pat: Bat ba ang haba ng table natin.
Andoy: Darating mga magaganda kong friends.
Pat: Ikaw na.

Maya maya biglang dating ng isang ubod na gandang babae, beso kay Andoy then pinakilala ako, sya pala si Solenn, yung sa survivor.

Tsikatsika tapos biglang sabi ni Solenn may malaking car daw sa labas at for sure si Lovi na yun. Puk, siya nga at ang ganda din nya.

Maya maya uli, biglang may lalaking nagsalita sa likod ko, shet, si Richard Gutierrez, pag tingin ko sa kanya biglang abot ng kamay at nagpakilala sya.Ganda.

Isa pang maya maya uli, may magandang babae na naman na paparating, sya naman si Madz, Frances din gaya ni Solen.

So, ayun kwentuhan lang ng kwentuhan sila at ako nakatingin lang na parang tanga o kaya nakikikanta kasabay sa pagkanta ni Lolita Carbon ng Asin. Tapos nag tanung pala si Solen kung bat di ako nainom sabi ko for colonoscopy nga ako, sobrang naawa si ate pag kasabi ko.

"beerna" ang word of the night bilang pauso ito ni Andoy at pati si Richard ay napapasabi din ng imbyerna.

Ito last na maya maya pa, biglang dumating si Mylene Dizon. Sobrang laughtrip nung damating sya, halos mawala ako sa wisyo kakatawa sa kanya.

After ng set nila Lolita Carbon, nag paalam na ko kay Andoy. Pag tayo ko biglang kumalabit si Mylene, o sa kin di ka mag papaalam.Wow, yun lang masasabi ko.

Sayang dapat di na muna ako umalis, kung di lang tumatalab na yung laxatives na ininom ko mag iistay pa sana ako. At sayang dahil wala akong dalang camera para naman mag souvenir ako ng gabing ito.

Hay. I love my job. At higit sa lahat I love my clients.

No comments:

Post a Comment