Sunday, February 6, 2011

So alam mo na?

Ang ikalawang kabanata ng budyeting siris ni Juan!

Dahil alam mo na kung panu makakatulong ang pagbabudget sa buhay mo, next na dapat nating gawin i-track nang mabuti ang ating pera.

Maraming paraan para i-track yung ang mga kaperahan natin. Pero check mo din kung mag wowork yung mga naisip ko, gaya ng:

1. Notebook at Ballpen

Sobrang mura lang nito kaya wag kang magdahilan na di mo kayang i-track yung pera mo using this. Kung wala ka nito mag nenok ka na lang sa nakakababata mong kapatid o pinsan na nag aaral. Joke lang. Peace.

Oo, mura lang siya pero medyo mahirap mag track ng pera gamit to, minsan katamad mag sulat, minsan di mo mabasa sulat mo at
baka malawa mo rin yung notebook. So kahit na mura siya ito rin sana yung last option mo na gamitin para matract ang pera mo.Ok!

2.Spreadsheet

Kung may kompyuter ka, may chance na may Microsoft Excel ka. Taugh maugh? Kung wala edi mag download ka na lang ng Open Office para libre, kompatible din naman ito sa Excel. Pag spreadsheet kasi gamit mo mas madaling magkompute at magtrack ng daloy ng pera mo. Actually ito gamit ko ngayon.

3.Software gaya ng Quicken o kaya Microsoft Money

Ok sana tong mga software na ito kaso nga lang may bayad tapos minsan kailangan mo pang i-upgrade tapos may bayad uli. Sad. Pero bongga to kasi pag ito ginamit mo, may capability syang itrack yung mga bank o investment account mo using single sign-on. Isang username lang tapos ma-aaccess na lahat ng account. Parang pag nag log-in ka sa twitter automatic nang malolog-in yung facebook,multiply,tumbler at ang old skul mong friendster.

Ang chaka lang sa mga software na  to eh pag na hacked ka ng bonggang bongga, lahat ng account mo damay. Sad uli. T_T



O ayan may choices ka na kung anu pwede mong gamitin pang track, next question is panu mo naman ito gagamitin. Simple lang, sundan lang ang mga sumusunod:

Una, hiwain ang bawang at sibuyas,igisa ito kasama ang mga karne.....teka...maling post pala to.sorry..

Back to regular programming tayo ha.

1. Track mo lahat ng gastos mo.

Lahat, as in lahat. Mapachewing gum man ito o kaya pamasahe sa side car. Basta i-track mo ito on a daily basis.

2. I-update ang budget - Araw araw ha!

Madali lang to specially kung excel gamit mo. Para wala kang makakalimutang gastos mo.Dapat araw araw mo tong gagawin, para di ka clueless kung san napupunta pera mo.

3. Wag mo lang i-categorized, ilista mo ng bongga.

Dapat accurate description yung gamitin mo, wag generic. For example wag traspo lang ilagay mo, lagay mo sya gaya nito " jeep to buendia ". Ganun.

4. Monthly ang budget, wag per pay-check.

Mas maaayos mo kasi ng maigi yung flow ng pera mo. Pansinin mo pag bi monthly yung budget mo may maliit na butal o sobra yung budget mo. Yung butal na yun minsan nagagastos natin sa walang katuturan na bagay. Alam mo yan. Pero kung monthly medyo malaki yung butal na pwede nating i-allot na pwede nating pambayad ng utang, di ba.

5. Paghandaan yung mga fixed na expenses tska yung variable.

Rent sa bahay, pambayad sa internet o kaya ng insurance ang tinuturing na fixed expenses. Bakit? Kasi fixed nga sila, yung rent mo for example Php7000 a month, di naman tataas yan o baba kaagad agad. Yung variable naman eh gaya nung Meralco, water tska grocery. Nakokontrol mo ito.

6. Paghandaan din yung mga occasional expenses.

Ang mga occasional expenses na sinabi ko eh yung mga expenses na di naman lagi dumarating, halimbawa nito eh yung mga pangregalo, pambayad sa check up sa doctor. Kung kaya ng budget you can pay for these as they occur kung di naman, pwede ka ring magtabi ahead of time.

Ako ang lagi ko lang pinaghahandaan yung Pasko. Every month nagtaabi ako ng 1000 para pag dating ng Pasko di ako mabigla. Bakit ba naman kasi ubod ng dami ng inaanak ko eh.



Yung budget mo, pwedeng detailed masyado o hindi. Depende to sa kung paano ka mag control sa sarili mo. For example, manunuod ka ng sine, pwede mo ba syang ilagay under miscellaneous category o dahil linggo linggo ka nanunuod ng sine eh baka pwede na syang gawing category?

Ang budget ay naiiba din depende sa daloy ng income ng isang tao. Kadalasan yung iba automatic na may sweldo na pag 15 o kaya 30. May mga kababayan din tayong ang sweldo nila eh commission based. Yung mga irregular yung income medyo tricky yung ginagawang pag bubudget pero nagagawa pa din yan. Monthly may mga fix na dapat bayaran at yung mga variable na dapat bayaran ay kailangan nilan i average. Tska pag commission based yung sweldo mas maganda kasi may mga months na malaki yung kinikita, at pag nang yari yun mas dapat nag matabi o mag laan sila for the next month.




Photo Credits :

http://gedaechtnis.files.wordpress.com/2007/09/m-money2.jpg
http://www.personal.psu.edu/ked5111/blogs/kaitlyn_dowlings_cas283_eportfolio/excel_budget_fullview.jpg
http://www.cbc.ca/radio2/programs/images/pen%20and%20notebook%20by%20markus%20rodder.jpg

Wednesday, February 2, 2011

beerna.

Time first muna tayo sa budgeting series, kwento ko lang muna nangyari sa kin kanina.

After kong manggaling sa UST Hospital at bigyan ng reseta para sa mga dapat kong inumin bilang paghahanda sa colonoscopy ko bukas eh saktong nagka-appointment ako sa isa kong client, si Andoy Ranay.

Andoy: Kumain ka na?
Pat: Di pwede eh.
ANdoy: Bakit?
Pat: Fasting ako para sa colonoscopy ko bukas. (sabay kuha ng laxaties at hinallo sa sprite)
Andoy: Imbyerna!

O di pa jan nagtatapos kwento ko. Prenisent ko na yung proposal ko para sa kanya, sa kabutihang palad, nagustuhan nya at pumirma na sya. Woohoo!

Pat: Bat ba ang haba ng table natin.
Andoy: Darating mga magaganda kong friends.
Pat: Ikaw na.

Maya maya biglang dating ng isang ubod na gandang babae, beso kay Andoy then pinakilala ako, sya pala si Solenn, yung sa survivor.

Tsikatsika tapos biglang sabi ni Solenn may malaking car daw sa labas at for sure si Lovi na yun. Puk, siya nga at ang ganda din nya.

Maya maya uli, biglang may lalaking nagsalita sa likod ko, shet, si Richard Gutierrez, pag tingin ko sa kanya biglang abot ng kamay at nagpakilala sya.Ganda.

Isa pang maya maya uli, may magandang babae na naman na paparating, sya naman si Madz, Frances din gaya ni Solen.

So, ayun kwentuhan lang ng kwentuhan sila at ako nakatingin lang na parang tanga o kaya nakikikanta kasabay sa pagkanta ni Lolita Carbon ng Asin. Tapos nag tanung pala si Solen kung bat di ako nainom sabi ko for colonoscopy nga ako, sobrang naawa si ate pag kasabi ko.

"beerna" ang word of the night bilang pauso ito ni Andoy at pati si Richard ay napapasabi din ng imbyerna.

Ito last na maya maya pa, biglang dumating si Mylene Dizon. Sobrang laughtrip nung damating sya, halos mawala ako sa wisyo kakatawa sa kanya.

After ng set nila Lolita Carbon, nag paalam na ko kay Andoy. Pag tayo ko biglang kumalabit si Mylene, o sa kin di ka mag papaalam.Wow, yun lang masasabi ko.

Sayang dapat di na muna ako umalis, kung di lang tumatalab na yung laxatives na ininom ko mag iistay pa sana ako. At sayang dahil wala akong dalang camera para naman mag souvenir ako ng gabing ito.

Hay. I love my job. At higit sa lahat I love my clients.

Saturday, January 29, 2011

Tadan! Ang unang kabanata ng budyeting siris ni Juan!

Madaming kababayan natin na trip lang magbudget pag alam nila kapos na sila. Parang yung mga dating kasamahan ko sa Call Centre, pagsweldo fly agad sa tomahan, pag malapit na yung sweldo may baon na silang de lata. Classic di ba. Pero may iba pa din tayong kababayan na responsable na automatic na pagsweldo pa lang eh may nakalaan nang pera pambayad sa Meralco, tubig, grocery, utang sa Bumbay, utang sa credit card, utang sa tindahan at kung anu ano pang utang. Maliban sa mga nabangit ko meron pa rin namang nagtatabi para pambili ng iPad, iPhone at kung anu ano pang gadget o di kaya nag iipon na para sa Kasal o kaya bagong bahay, kotse at higit sa lahat TUITION FEE.

Pero ang totoo ang pagbubudget ay di lang dapat ginawa kung nakakapos na tayo o kaya may pinaghahandaan tayong bilin. Para sa lahat ang budgeting, ito'y parang isang karinderya na bukas para sa lahat, kahit wala kang pera ok lang, may libreng sabaw naman. Sa tingin mo kung di nag budget ng bongga si Henry Sy san na kaya pupulutin ang SM? O kaya makukuha ba ni Manny Pangilinan yung Channel 5 kung di sya na budget. Syempre nagbudget talaga sila, inilaan nila bawat kusing na kita nila para sa mga goals ng kumpanya nila kaya ngayon tinatamasa na nila yung kasaganahan.

Pag bonggang bonga ang budget mo ito'y sobrang makakatulong sayo upang magawa  mo ang mga sumusunod:

1. Magkaroon ng Long- and Short-Term Projections 

A budget will help you plan for short-term expenses, like your monthly bills, and mid-term expenses, like vacations, as well as long-term expenses, like buying a house, paying for a child's college education and putting money away for retirement. Kung meron kang listahan kung magkanu yung kikitain mo at dapat mong gastsin for sure makakapag adjust ka. Example magpapasukan, syempre automatic na magtatabi ka para sa tuition fee o kaya mag se-SALE ng Bayan ang SM, magsasave ka for sure ng pera para mabili yung gusto mo, o ito pa, pag nakita mo naman na mashoshort ka edi automatic na dapat mong iadjust yung mga gastusin na maituturing mo na di mo kailan o kaya mga luho na pwedeng ipagpaliban muna.

2. Pag Rerelax

Sa isang linggo nasa 40 hours kang kumakayod di pa kasama yung byahe mo at pag aayos bago ka pumasok, sama mo na din yung lunchbreak mo pati na yung oras pag uwi, for sure wala ka ng energy para mag relax, oo, kahit na mag Enervon ka lowbatt ka pa din. Syempre kung ginugugol mo ng ganito yung oras mo sa paghahanap buhay e dapat lang bayaran mo yung sarili mo ng konting relaxation. Unfair naman na nakasubsob mga araw araw sa work tapos di mo man lang makuha manuod ng sine o kaya magpa-foot spa.

Panu makakatulong ang budget sa pagrerelax mo?

Dahil may budget ka na, makikita mo kung sang lupalop ng mundo napadpad yung pinaghirapan mo. For example, nakita mo nasa Php 5000 yung perang dinedeposit mo sa Zara, Topshop o Topman o kaya sa Lacoste tapos di mo makuhang magpafoot spa, for sure matataranta ka at gagawan mo ito ng paraan, matututo kang mag allocate ng expenses mo. Baka nga di lang footspa magawa mo, baka may kasama pa tong pedicure at manicure dadag mo na whole body massage. Winner di ba.

Matratrack mo sa pamamagitan ng budget lahat ng gastos mo, malaki man ito o maliit. Magiging concious ka sa mga gastos mo.

3. Plan for Major Changes

Syempre di lang foot spa ang pangarap mo. Major major change din dapat gaya ng pagbili ng bahay. Wish mo ba na forever ka na lang magrerent? Again, magagawa mo to sa pagbubudget, makikita mo kung magkano pwede mong i-allot sa income mo papunta sa ipon mo para sa pambili ng major major mong bahay.


4 . Pagkakaroon ng Savings Account sa Bangko na may Pera at hindi Payroll Account lang.

Dahil sa budget makakapag tago ka na ng pera para sa kinabukasan mo. Saya di ba? Makakapag ipon ka na para sa retirement mo, nakakahiya naman kung aasa ka lang sa makukuha mong barya galing sa SSS at sa bigay ng mga kamag anak mo. Di ba.

O di ba. Ang saya pag may budget, may liwanag ang buhay!

Photo Credit:
http://bayhealthspa.com/images/best-foot-spa.jpg

I started a joke. Ay, BUDGET pala.



Budgeting is the most basic accounting that anyone can do. I'll post a series of blog about this topic for starters. I know that everyone will benefit in this series.

Ano ba ang budgeting?

Kung ang sagot mo eh, "ang budgeting ay laging ginagawa ng nanay ko at sya lang ang may alam nito". eh baka mabatukan kita ng bongga. Promise. Oh well, ang budgeting ay simple lamang, you just need to make sure na yung gastusin mo o expenses ay hindi hihigit sa kinita mo o earnings. Nakakatulong din to sa pagplano mo ng mga goals mo gaya ng pagbili ng bahay o kaya ng kotse sama mo na din yung pagbayad sa mga utang.

Tandaan, ang budgeting ay hindi gaya ng dieting na denideprive mo yung sarili mo sa gusto mo na pwede mong makuha ngayon. Isipin mo na lang na ito ay isang programa na makakatulong sa iyo upang maayos mo yung paggastos mo. Kung di mo trip yung salitang budgeting edi pa-sosyalin mo, itago mo na lang ito sa tawag na "Personal Financial Planning". Winner di ba.

Ang pagbubudget ay isa sa mga importanteng aspekto ng kalagayang financial ng isang tao.

Di mo kailangan ng degree sa Math o Statistic para makagawa ng budget. Addition at subtraction lang, carry na. Di totoo na sina Henry Sy lang o kaya ang mga Ayala lang ang may karapatan o pwedeng magbudget, kahit ikaw na service crew ng Jolibee ay na ngangailangan din nito. Actually lahat tayo ay kailangan magbudget, dito natin malalaman kung san talaga na pupunta yung mga pinaghirapan natin. Di ba?

May mga taong sobrang OC (obsessive compulsive) sa pagbubudget na minsan di sila makatulog hanggat di nila naayos yung budget. For sure, alam na alam nila ang kahalagahan nito. Nakakatulong kasi ito kung matupad yung mga panarap nila, for example gusto nila ng kotse, mapaghahandaan nila ito sa pamamagitan ng pagtatabi ng pera para dito, at ito ay kasama sa budget nila.

O ayan, isang series itong blog na to about budgeting na talagang matuto ka o kahit sinong makakabasa dito. Again series to, parang Harry Potter, may mga part part.

Whether you're a college undergrad, retiree or somewhere in between, if you're looking for a way to manage your money better and improve your financial situation, then this series is for you.

Photo Credits:
http://cdn.wn.com/pd/43/6d/d2dfe43427fe30b8b1338ff23a2e_grande.jpg